Hay life. Kaka-homesick na talaga. Sabi ko dati sanay na ko dito at di na hohomesick. Aba nung isang araw ba naman pagkasabing pagkasabi ko na I miss home.. I miss Philippines. Aba diretsong tulo na rin ng luha ko, unahan nga sila eh. Ang drama ko, ang corny..!!! Pero tuloy pa rin kaya ung tears heheh. Ewan ko ba. Parang I feel tired na. I want to relax. I miss our sofa. Parang gusto ko muna humiga sa sofa sa bahay namin sa Pinas. Pero naman ang layo noh. Kung pwede lang sakay ako ng bus.
**********
Ilang linggo na ring magulo ang isip ko. Right after gumaling ako sa sakit ko, parang gulong gulo lagi ang utak ko. Parang lagi akong nasusuka. At lagi madaling mag-init ang ulo. Eh sino pa ba ang mapagbubuntunan ko eh syempre siya. Kasi siya naman ung palaging kasama-kasama ko. Kaya tuloy ayun naisip nya at naitanong nya sa kin.. “Are you happy with me?” Nagalit ako, sabi ko sa kanya. Ok na ko, pero dinagdagan mo pa ung iniisip ko. Bakit mo tinatanong yan? Sabagay naiintindihan ko siya, ang dami ko kasing gustong mabago sa kanya na mejo imposible naman. Alam ko nasasaktan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Kung bakit mahina ako, kung bakit di ko kaya makarinig ng mga criticisms. Paranoid talaga. Wala pang sinasabi ang iba, inuunahan ko na kung anong pwedeng isipin at sabihin nila. Haayy ang hirap. Paano ko ba mababago ang ugali ko.. kung ang karamihan sa ‘kabayan’ dito ay talagang makikitid ang mga utak.
**********
Nag-email siya sa kin kaninang umaga. Nagseselos daw siya. Mabuti pa daw ang kaibigan ko nailalabas ako para magdinner at mamasyal, pero sya na naturingang .. hindi man lang daw kami makalabas.. nauunawaan nya naman ako. At nauunawaan ko rin sya. Nasasaktan ako, nasasaktan din siya. Sobra lang daw talaga ang pagmamahal nya sa akin kaya lahat ng bagay kahit na masakit sa kanya, tinatanggap nya.
Hay ayoko ng mag-isip kasi naman naiiyak na ko talaga.
No comments:
Post a Comment